15 million doses ng COVID-19 vaccine kada buwan, kailangan ng bansa para maabot ang herd immunity – Galvez

Inihayag ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., na mangangailangan ang Pilipinas ng nasa 15 million doses ng COVID-19 vaccines kada buwan para mabakunahan ang 70 milyong populasyon at upang maabot ang tinatawag na herd immunity.

Ayon kay Galvez, kailangan makapagsagawa ang bansa ng 3 million vaccine jabs kada linggo.

Bukod dito, nasa 25,000 hanggang 50,000 vaccinators naman ang kailangan sakaling ganiton na ang sitwasyon ng pagbabakuna sa bansa.

Dagdag pa ng Sec. Galvez, nasa 5,000 vaccination sites din ang kakailanganin para makapagsagawa ng 100 COVID-19 jabs kada araw.

Mababatid na sa ngayon ay umaabot pa lamang sa mahigit 1.6 million na mga Pilipino ang nababakunahan kontra covid-19.

Kaugnay nito’y, kumpiyansa naman ang kalihim na lalakas ang mass immunization program ng pamahalaan kapag tumaas na ang delivery rate ng COVID-19 vaccines sa bansa na magsisimula umano ngayong buwan.

Una na ring sinabi ng kalihim na sa buwan ng Hunyo inaasahang dadagsa ang mga covid-19 vaccine sa bansa, mula sa iba’t-ibang vaccine manufacturer kabilang ang 4.5 million doses mula Sinovac, 2 million doses ng Sputnik V ng Gamaleya, at 1.3 million doses pa ng AstraZeneca. | Clay Marquez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *