Local News

15 NPA member sumuko sa Ligao City

BNFM BICOL—Matapos ang pagsurender nitong Martes ng 15 miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Masbate, panibagong 15 kasapi ng kilusan ang sumuko rin sa Albay kahapon.

Bitbit ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng limang high powered firearms at apat na low powered firearms, sumuko ang mga ito sa pamamagitan ng 49th Infantry Battalion (49IB) at PNP sa lungsod ng Ligao.

Dakong alas 11 ng tanghali kahapon nang iprinisenta ang mga ito kay Col. Jaime Abawag Jr., Brigade Commander ng 902nd Infantry Brigade sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa headquarters ng 49IB sa Barangay Tastas.

Ang mga sumuko ay kinabibilangan ng anim na regular NPA members, tatlong Militiang Bayan, limang Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) members at isang supporter.

Ayon sa mga ito, hindi na nila masikmura ang mga gawain ng kilusan na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga sibilyan kabilang na ang kanilang mga pamilya.

Ayon kay Lt. Col. Benjamin Tapnio, Battalion Commander ng 49IB, resulta ito ng nagkakaisang hakbang ng mga miyembro ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC).

Pinasalamatan naman ni Col. Abawag ang mga pamilya ng mga ito na kumumbinsi sa kanila na umuwi na, magbalik loob sa gobyerno at mamuhay ng payapa.

Dahil dito ay mas makakatulog na umano ng mahimbing ang kani-kanilang pamilya nang hindi nag-aalala sa kalagayan ng mga ito sa kabundukan.

Binigyang-diin naman ni MGen Henry Robinson Jr., Commander ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB) na patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga sumuko upang makabalik sila sa normal na pamumuhay sa komunidad sa ilalim ng mga programa ng gobyerno para sa mga ito.

Kasabay nito ay nanawagan din ang opisyal sa iba pang mga rebelde na piliin ang mapayapang buhay kasama ang kanilang mga pamilya at nakahanda umano ang pamahalaan na sumuporta.###

Photo: 9IDPA

BNFM Bicol

Recent Posts

1OOK Balor sa smuggled cigarettes nasakmit sa kapolisan atol sa checkpoint.

Nasakmit sa kapolisan ang gibana-banang 100 mil nga balor sa smuggled nga sigarilyo atol sa…

37 mins ago

Graduation Rights sa makarong dag-on dapat maging simple

Maging simple ag makabuluhan ru Graduation Rights it mga estudyante sa pampublikong eskwelahan makarong school…

46 mins ago

26 anyos nga manug-putos ug mangga nahulog patay

Patay ang usa ka lalaking manugputos ug mangga dihang nahulog kini sa punoan diin siya…

1 hour ago

Unang Batch ng SPES 2024 sa Olongapo, magsisimula na sa Hunyo

Magsisimula na ang unang batch ng Special Program for Employment of Students o SPES 2024.…

1 hour ago

Kanhi na preso sa kasong paghupot sa illegal na drugas sikop sa otoridad.

Nasikop sa kapolisan ang kanhi na preso sa kasong paghupot sa illegal nga drugas pasado…

2 hours ago

Phase 1 sang mga CCTV sa Roxas City, ginbida sa pagbukas sang bag-o nga Emergency Operation Center

Madasig na nga marespondehan sang mga otoridad ang mga pumuluyo nga nagakinahanglan sang bulig bangud…

2 hours ago