SORSOGON CITY –Walong regular na miyembro ng New People’s Army at pito na kasapi ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) ang sumurender sa mga tropa ng pamahalaan at nagsuko ng 9 na baril sa Masbate.
Kabilang sa kanilang mga isinuko ay isang M16 rifle, AR15 rifle, homemade carbine, apat na homemade shotgun, caliber .38 revolver at caliber .357 revolver.
Hirap, gutom at nararanasang abuso sa loob ng hukbo ang umano’y naging dahilan ng kanilang pagsurender.
Ayon kay Lt. Col. Siegfried Felipe Aldwin, commander ng 2nd Infantry Battalion, isasailalim nila agad sa proseso ng re-integration kasabay ng pag-enroll sa E-CLIP ang 15 rebelde dahil maituturing na ang mga ito na FRs o Former Rebels.
“Through our E-CLIP, we will ensure that our former rebels will be provided with cash, livelihood, housing, medical and even educational assistance in order for you to start anew as you take the path of peace,’’ sabi ni MGen Henry Robinson Jr, Commander ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB).
PHOTOS; 9th ID, PA
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…