15 Thai officials, kinasuhan dahil sa pagpapalaya sa dalawang Chinese suspects

Labing limang Thai officials ang kinasuhan ng korapsyon matapos ang pagpapalaya sa dalawang Chinese suspects sa isang raid sa passport-forging den

Ang kaso ay kasunod ng lumalaking concerns sa Thailand dahil sa tinatawag na gray businesses na iligal na pinapatakbo ng mga Chinese citizens.

Sinalakay ng pulisya ang dating konsulado ng Pacific island sa kabisera ng Bangkok noong huling bahagi ng buwan kasunod ng mga alegasyon na ang mga Tsino ay nag-i-squat doon.

Sa loob, natagpuan ng mga opisyal ang dalawang Chinese na lalaki na parehong pinaghahanap ng Beijing dahil sa pamemeke ng mga pasaporte para sa mga kapwa nila Chinese ngunit nakatakas umano ang dalawa pa dahil sa pagsasabwatan ng limang opisyal ng Department of Special Investigation gayundin ang siyam na pulis at isang military sargeant.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *