15-thousand pesos na ayuda para sa higit 80 rice retailer sa Zambales, ibibigay na bukas

Makatatanggap na ng cash assistance ang higit walumpong mga rice retailers sa Zambales mula sa Department of Social Welfare and Development.

Ito ay dahil natanggap ng DSWD ang listahan ng mga pangalan na kinolekta ng Department of Trade and Industry atbapang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay DTI Zambales Dir. Ike Tacbad, Huwebes ang schedule ng payout sa Olongapo, Zambales at 81 na kabilang sa micro enterprise ang kwalipikado para sa 1st batch ng mga benipisyaryo.

Labinlimang libong piso ang ibibigay na ayuda para sa mga ito kapalit ng pagsunod sa executive order ng Pangulong Bongbong Marcos o ang pagtatakda ng price ceiling sa regular at well-milled rice.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *