150 baboy sa Naga City isinailalim sa blood sampling para sa monitoring ng ASF

NAGA CITY – Natapos na kahapon ang tatlong araw na blood sampling na ginawa ng mga personahe ng City Veterinary Office sa 150 mga alagang buhay na baboy mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod.

Layunin ng blood sampling sa mga baboy ay mamonitor ang kalusugan ng mga ito at matiyak na walang sakit o sintomas ng African Swine Fever.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga, sinabi ni Citry Veterinarian Dr. Junios Elad Jr., na kompiyansa silang malulusog ang mga baboy at wala silang nakitang anumang sakit sa mga ito.

Magkagayun man, kailangan pa rin nilang gawin ang blood sampling bilang paniguro at isusumite nila ito ngayong araw sa Department of Agriculture (DA).

Inaasahan nina Elad na magiging opisyal ng ASF free na ang lungsod sa oras na mag negatibo lahat sa ASF ang mga baboy.

Mangangahulugan aniya ito na tuloy-tuloy na ang pag-aalaga ng mga baboy ng mga dating naapektuhan ng ASF noong mga nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *