Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng September 2021 Licensure Exam for Teachers (LET).
Mula 8,726 examinees para elementary level aabot sa 4,883 dito ang nakapasa o katumbas ng 55.96% passing rate.
Nasungkit ni Rowena Solacito Bongolto mula sa Mindanao State University – General Santos City ang Top 1 sa elementary level matapos makakuha ng 92.20 ratings.
Samantala nasa 10,318 secondary teachers naman ang nakapasa mula sa 17,863 examinees o katumbas ng 57.76% passing rate.
Sa secondary level parehong nakuha nina Vincent Casona Bayawa (Cebu Normal University) at Roslyn Vea Domingo Damasco (University of the Philippines – Diliman) ang top 1 spot matapos kapwa magtala ng 93.40 ratings.