152 OFWs mula sa Sudan, nakatakdang dumating ng bansa sa mga susunod na araw

Inaasahang makakauwe sa Pilipinas sa mga susunod na araw ang 152 overseas Filipino workers  na nasagip mula sa kaguluhan sa Sudan.

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople , ang mga repatriated OFWs ay babalik sa bansa sa dalawang batches at sasakay ang mga ito ng Saudi Airlines mula sa Jeddah at Riyadh.

Ang bagong batch ng mga repatriates ay kabilang sa 340 evacuees na tinulungan ng Department of Foreign Affairs  at ng Philippine Embassy sa Cairo mula sa Port Sudan hanggang Aswan, Egypt.

Nakipag-ugnayan na rin ang gobyerno sa Philippine Airlines  para sa pagpapauwe sa 140 pang OFWs sa pamamagitan ng mga chartered flights.

Matatandaang noong Sabado ay dumating sa Maynila ang unang batch ng 17 Pinoy mula sa Sudan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *