158, 240 printable version ng PhilID target na maipalabas ng PSA Camarines Norte mula ngayong Oktubre hanggang Disyembre

CAMARINES NORTE- Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Camarines Norte na makapagpalabas ng nasa 158, 240 printable version ng Philippine Identification o PhilID mula Oktubre hanggang Disyembre para ma- complement ang on- going printing ng Physical PhilIDs.

Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag isyu ang PSA ng 50 milyon PhilID sa pagtatapos ng 2022.

Ang printable version ng PhilID ay ang pansamantalang gagamitin ng mga nakapagrehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys) habang naghihintay sa pagdating ng kanilang mga ID.

Matatandaan na noong September 29- 30, 2022 ay nagsagawa ang PSA ng Provincial Level Training on Step 2 registration and Printable PhilID sa isang hotel dito sa Daet.

Dinaluhan ito ng walong Registration Center Supervisors, dalawamput tatlong Registration Kits Operators at labing anim na Screeners/ Alternate Screeners na naka- deploy sa labing apat na Registration Center sa probinsiya.

Samantala, umaabot na sa 448, 661 Cam Norteños ang nakapagparehistro na sa Step 2 Registration ng PhilSys hanggang noong September 30, 2022.

Ito ay matapos na madagdagan ng 56, 226 na indibidwal ang bilang ng mga nakapagparehistro simula noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *