15k ARB’s validated na ng DAR

Batangas City –

Aabot sa labing limang libo at pitongdaang mga agrarian reform beneficiaries o ARB’s ang navalidate na ng Department of Agrarian Reform (DAR) Calabarzon sa kasalukuyan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage o CoCRoM.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, ipinagmalaki ni Regional Director Atty. Mcdonald Galit na natapos na nila ang validation process para sa programang ito.

Kaugnay nito, nasa 22,000 na ektaryang lupang sakahan ang maibibigay sa mga magsasaka kaakibat ng CoCRoM.

Matapos namang maibigay ang lupa sa mga magsasaka, sinabi ng DAR na nakahanda ang kanilang tanggapan na magbigay naman ng suporta, tulad ng agricultural training programs, access sa credit financing, farm machineries, at equipment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *