Magiging representante ng bansa sa ASEAN Age Group Chess Championship ang 16 –anyos na residente ng Brgy. Managa-naga, Bulan Sorsogon.
Kakatawanin ni Juzeia Marielle Agne ang Pilipinas sa nasabing kompetisyon na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa darating na June 16-26, 2023, matapos na kanyang masungkit ang Woman Master’s Title makaraang kumpletong makuha ang last at final norm sa Under-18 Girls sa Classical, Rapid and Bitz Categories sa ginanap na Age Group Championship Grand Finals sa Dipolog City, Zamboanga del Norte noong April 3-10, 2023.
Sa ngayon ay patuloy si Agne sa kanyang pag-eensanyo bilang bahagi ng paghahanda para sa nasabing kompetisyon kung saan suportado naman ito ng Lokal na Pamahalaan ng Bulan maging sa pinansyal na aspeto.
Si Agne ay Grade 10 student ng Bulan National High School.
