16-anyos, pinakabatang nagbuntis sa bayan ng Magallanes

Kinumpirma ng Phil Statistics Authority (PSA) na isang 16 – anyos ang kanilang naitalang pinakabatang naging magulang at ito ay sa bayan ng Magallanes, Sorsogon.

Sa preliminary result ng 2022 Vital Statistics ng PSA sa parehong kasarian, babae at lalaki ay 16 ang pinakabata na nagkaroon na ng anak, habang 47-anyos nmaman ang pinakamatandang naging magulang sa babae at 53-anyos sa lalaki.

Sa loob ng isang taon, nakakapagtala ng hindi bababa sa 686 ang ipinapanganak sa nasabing bayan; 189 ang ikinakasal at karamihan dito ay nagpapakasal sa buwan ng Pebrero.

Naitala naman ang 18-anyos na pinakabatang lalaki na ikinasal sa nasabing bayan at 28 –anyos sa babae habang 68-anyos ang pinakamatandang naitala na nag pakasal na lalaki samantalang 66-anyos naman sa babae.

Lumabas rin sa survey na mas maraming namamatay na lalaki kumpara sa babae.

Sa nakalipas na isang taon, 153 ang naitalang namatay sa nasabing bayan at 85 rito ay mga lalaki at 68 ay mga babae.

Lumalabas din na tatlo ang namamatay sa bayan bawat linggo at ang pangunahing dahilan ay ang Cerebrovascular Disease, Acute Myocardial Infarction, Chronic Kidney Diseas at Acute Respiratory Failure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *