16 arestado sa tupada sa Infanta, Quezon

Sa kulungan ang bagsak ng 16 na lalaki matapos mahuling nagtutupada sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng kapulisan sa bayan ng Infanta, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Armelito Poblete, 51; Joseph Refazo, 46; Freddie Tropicales, 60; Jefferson Marquez, 35; Romeo Leynes, 34; Emmanuel Mangue, 53; Ryaniel Marquez, 22; John Christopher Palma, 27; Eduardo Peñamora, 51; Andy Baylon, 55; Larry Revellame, 51; Marlon Macasinag, 52; Mark Halie Macasinag, 25; Mario Mahibales, 51; Antion Mahibales, 20; at Edgardo Masarap, 42.

Nakumpiska sa mga suspek ang 6 na panabong na manok, 21 pirasong tari at pustang 12,140 pesos.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Infanta Municipal Custodial Facility ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling. | Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *