‘16-day old’ na sanggol, pinakabatang tinamaan at pangatlong namatay sa Covid-19 sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nasawi ang isang ’16-day old’ na babaeng sanggol dahil sa Covid-19 mula sa Brgy San Rafael sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Sa tala ng Sorsogon Provincial Health office, siya ang pinakabatang tinamaan at ika-tatlong namatay sa Covid-19 sa lalawigan noong Lunes, Enero 17 ng kasalukuyang taon.

Base naman sa ulat ng DOH-Bicol, ang naitalang fatalities ay sa loob lamang ng mahigit dalawang linggo sa buwan ng Enero o katumbas ng 6.10 fatality rate kung pagbabatayan ang kabuuang 444 death toll sa lalawigan mula Marso 2020 hanggang Enero 17, 2022.

Pumalo naman sa kabuuang 612 ang aktibong kaso sa lalawigan matapos na madagdagan ito ng 138 na bagong kaso noong Lunes.

Kinabibilangan ito ng 55 kaso mula sa lungsod ng Sorsogon, 19 sa bayan ng Irosin, 10 sa Donsol, 9 sa Juban, 8 sa Gubat at tig-6 na kaso mula sa bayan ng Bulan at Castilla.

May naitala namang lima sa mga bayan ng Barcelona at Casiguran, tig-apat sa Pilar, Pto Diaz at Sta Magdalena; dalawa sa bayan ng  Bulusan at isang kaso naman ang naitala sa bayan ng Magallanes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *