Labing anim katao ang patay habang siyam naman ang sugatan matapos ang nangyaring sunog sa isang residential building sa Dubai.

Sumiklab ang sunog sa ikaapat na palapag ng gusali sa Al-Ras neighborhood.
Sa paunang imbestigasyon, sinabi ng civil defense force na ang sunog ay sanhi ng kakulangan sa compliance ng safety at security requirements ng building.
Hindi pa tukoy sa ngayon ang nasyunalidad ng mga biktima.
Ang Dubai na isa sa pitong emirates ng United Arab Emirates, ay may populasyon na humigit-kumulang 3.3 milyon, kung saan halos 90 porsiyento ay mga dayuhan.//CA