16 na kagawad ng Media, hinold ng Coastguard at IMT sa Puerto Princesa

Hinold ng Coastguard District Palawan ang nasa 16 na kagawad ng Media (Correspondent) nang dumating sa Puerto Princesa kahapon ng umaga, ika-26 ng Setyembre.

Ayon kay Coast Guard District Palawan (CGDPal) Deputy commander Severino Destura, hindi nakalusot sa mahigpit na inspeksyon ng Coastguard at Incident Management Team ang mga Media  na sumakay sa Montenegro mula sa Davao.

Nang inspeksyonin ang mga dala-dalang dokumento ay hindi umano nagtugma ang mga ito at wala rin silang koordinasyon sa Lokal na Pamahalaan ng Roxas at San Vicente kung saan umano sila dapat pupunta pero ang nakalagay sa Address na ipinakita nila ay Roxas, Isabela at hindi Roxas, Palawan.

Ang tanging dala-dala lamang nila ay ID, certification at appointment letter na mula sa kanilang Bureau Chief.

“Ang hinahanap po talaga ng IMT natin is yung coordination po nila sa mga munisipyo which is ‘ yung acceptance o S-Pass, may application na fill-up-an so pag na-verify na coordinated sila i-accept sila and then ‘yung corresponding documents po yung authorization galing sa company and Identification.”- Deputy Commander Severino Destura, Coast Guard District Palawan

Ang pakay umano ng dalawang grupo ng Media na ito ay para sa coverage ng COVID-19 situation at humanitarian reason.

Dahil sa insidente ay na-quarantine sila kahapon at kagabi at ngayong Lunes, umalis na ang ilan sa kanila sakay ng eroplano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *