Hindi umano lalahok sa malawakang transport strike sa bansa ang ilang grupo sa Central Luzon.
Base sa impormasyon mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 3, nitong nakalipas na Byernes ay nagtungo sa kanilang tanggapan ang labing-anim na transport group.
Ang mga ito ay mula sa Bataan, Tarlac, Bulacan, Zambales, Nueva Ecija at Pampanga.
Nilinaw umano ng mga ito na hindi sila sasali sa gagawing strike at tiniyak rin na hindi magkakaroon ng kakulangan sa transportasyon at handing magserbisyo kung sakaling may mga mananakay na maapektuhan sa rehiyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
