16 pamilya sa Castillejos nananatili sa evacuation center

Nananatili sa evacuation center ang labing-anim na pamilya mula sa Sitio Pagong, Balaybay, Castillejos.

Ito ay matapos na palikasin muna sa kanilang mga bahay dahil na rin sa malalakas na pag-ulan.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, kinabibilangan ito ng apatnapung indibidwal.

Papayagan lamang makabalik ang mga ito sa kanilang mga bahay kapag nagbigay na ng go signal ang mga otoridad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, standing and text that says 'Power Cells in Salabat Herbal Mix Ginger Brew SHOP NOW! Lazada Iwas Sakit, Stay Healthy! 이 Simple Reminder Wear Face Mask Wash/Sanitize Hands Social Distancing Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published.