162 nasawi sa magnitude 5.6 na lindol sa Indonesia

Umakyat na sa 162 ang bilang ng mga nasawi habang marami ang nasugatan sa magnitude 5.6 na lindol na tumama sa Cianjur town sa kanlurang Java Indonesia.

Ayon sa report, magdamag na kumilos ang mga rescuers para sa pagsisikap na mas maraming matulungan at maisalba lalo na sa mga naipit sa mga gumuhong gusali.

Napag-alaman kasi na ang Cianjur ay mataong bayan at kilalang maraming bahay ang gawa na mahina ang kalidad at prone pa sa landslides.

Una nang inihayag ng National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia na nasa 62 ang inisyal na napaulat na nasawi pero aminado si regional governor Ridwan Kamil na inaasahan nilang mas marami ang nasawi dahil marami ang na-trapped sa mga isolayed na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *