169 checkpoints sa Region 3 nagsimula na kasabay ng pag-uumpisa ng election period

Nagsimula na ang mga kapulisan ng Central Luzon sa iba’t ibang checkpoints sa rehiyon.

Ayon kay Police Region Office 3 Director PBGen. Matthew Baccay, nitong nakalipas na January 9 ay nagsimula na ang 169 checkpoints sa Region 3 para sa pagsisimula ng election period.

Panawagan ni Baccay sa publiko na makipag-cooperate sa mga otoridad na nasa checkpoints para iwas sa abala.

Gayundin ang paalala ng opisyal sa mga kapulisan na maging magalang at maayos sa pakikitungo sa mga motorista.

Samantala, base sa ulat ng PRO3, sa Bocaue, Bulacan ay may isang indibidwal ang hinuli dahil sa pagdadala ng ammunition habang isa naman sa Magalang, Pampanga ang arestado rin dahil sa ipinagbabawal na droga sa checkpoint operations.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, food and text

Leave a Reply

Your email address will not be published.