CAMARINES NORTE- Inaasahang tatanggap ng mga toolkits ang isang daan at animnapo’t siyam na iskolar ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa unang distrito sa Camarines Norte mula sa iba’t ibang vocational courses sa mga susunod na araw.
Ang mga naturang scholars ay mula sa Special Training for Employment Program o STEP na programa ng TESDA.
Kung saan layunin ng programa na magbigay ng mga kasanayan at oportunidad sa mga benepisyaryo sa mga barangay at komunidad upang sila ay magkaroon ng trabaho at maging produktibo.
Ang nasabing mga scholar ay makakatanggap ng isang daang organic fertilizer, dalawampo’t limang organic concoction at apatnapo’t apat construction painting. Ang nasabing toolkits ay maglalaman ng mga kagamitan at kasangkapan na kailangan ng mga iskolar sa kanilang mga kurso. Inaasahang ang mga toolkits na ito ay magbibigay ng mga kagamitan na higit na makakatulong sa pagsasanay at pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan.
