17 ACI law school graduate, pumasa sa bar exam

Nasa 17 Law School graduate ng Aemilianum College Inc sa lungsod ng Sorsogon ang mga bagong abogado ngayon.  

Ito ay matapos nilang maipasa ang 2022 BAR Examinations na isinagawa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nabatid  na 35 ang kabuuang bilang ng mga kumuha ng pagsusulit sa mga nagsipagtapos sa nasabing eskwelahan.

Bumuhos ang pagbati sa mga bagong abogado mula sa ACI na matapos ang ilang taong pagpupunyagi at ilang buwang paghihintay sa resulta ng pagsusulit ay nagawang maipasa ito.

Kabilang sa mga ito sina Atty. Scion Raguindin, Christine Meralpes, Georgina Ayala-Dino, Francis De la Cruz, Liezel Goma, Cyrill Llamas, Roma Joy Aviso, Mariane Frivaldo, Sheryl Millapre, Mary Joy Turreda, Mary Lovely Perez, Nelwin Ebio, Fatima Ruiz, Lyle Michael Madrid, Dominic Jason De Jesus, Ailyn De los Angeles at Catherine Chavez Nimo.

Mababatid na nasa 43.47% lamang ng mga kumuha ng BAR exam sa buong bansa ang pumasa base sa resulta ng inilabas ng Korte Suprema kahapon.

Katumbas ito ng 3,992 na mga examinees mula sa 9,183 na kabuuang bilang mga kumuha ng nasabing pagsusulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *