Local News

17 anyos na estudyante, binastos ng “nablangko” na tricycle driver

Nagreklamo ang isang 17 anyos na babaeng estudyante matapos umanong mabastos ng tricycle driver noong nakalipas na Huwebes, ika- 6 ng Oktubre 2022.

Ayon sa dalagang hindi pinangalanan, habang pauwi siya lulan ng tricycle mula sa WPU ay tinanong siya ng drayber kung mayroon itong kilalang “bayarang babae”.

Lalo pa raw kinabahan ang biktima habang sila’y pabalik sa Barangay San Manuel kung siya ay mayroon nang boyfriend at kung ano ang kanyang cellphone number.

Noong papunta pa lang daw sila sa WPU ay hindi naman umimik ang drayber pero nang pabalik ay doon na siya tinanong ng mga hindi kaaya-aya kahit hindi niya ito personal na kilala.

Habang papauwi ay ipinaalam ng biktima ang karanasan sa kanyang ina subalit hindi niya agad naidetalye ang pangyayari pagbaba ng tricycle.

Matapos mai-post sa facebook ang pagkakilanlan ng drayber ay humingi ito ng tawad sa biktima at hindi itinanggi ang mga malesyusong tanong.

Depensa umano ng drayber na taga- Barangay Sicsican, “na- blangko” lamang siya kaya humingi ito ng tawad sa biktima.

Kaugnay nito, ipinauubaya na ng magulang ng dalaga ang pagbibigay ng parusa sa TODA na kinaaaniban ng drayber.

Samantala, nahaharap sa suspensyon ang drayber matapos na aminin nito ang insidente sa presidente ng TODA sa Barangay San Manuel.

Hindi umano ito- tolerate ang inasal ng drayber na hindi dapat pamarisan, ayon kay Gabriel Bonete, San Manuel Toda.

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

18 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

18 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

18 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

18 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

18 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

19 hours ago