17 anyos na lalaki, nabali ang isang binti matapos ma-hit and run sa Puerto Princesa

Kinakailangan umanong operahan ang kanang binti ng isang binata matapos na ma-hit and run sa National Highway ng Barangay Manalo sa Puerto Princesa City.

Nangyari umano ang insidente, bandang ala-una ng madaling araw ngayong Huwebes, March 23, 2023.

Ang biktima ay si Nijie Mark Conde at ayon sa ate nito, tumakas ang isa di umanong hindi pa matukoy na behikulo na nakabangga sa kanyang kapatid habang ito ay naglalakad kanina.

Naglalakad lamang umano ito pauwi galing sa handaan ng kaanak sa Barangay Manalo bago siya mabangga ng sasakyan.

Samantala, nais ng pamilya nito na lumutang ang responsableng drayber at tumulong sa gagastusin nila  sa operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *