17 crew ng sumadsad na Vietnamese cargo, nailigtas sa Palawan

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang insidente ng pagsadsad ng isang Vietnamese vessel o cargo sa karagatan ng Balabac, Palawan.

Lulan ng M/V Dolphin 15 ang labinpitong crew ( 17 ) na Vietnamese national mula Hai Phong Port sa Vietnam bago sila dumaan sa Tacloban City.

Sa imbestigasyon, nag-angkla ang barko sa karagatan 100 metro ang layo sa South West Cape ng Melville nitong Lunes hanggang sila’y abutan ng sama ng panahon kaya sumadsad ang cargo.

Ayon sa huling ulat ng Coast Guard, nasa maayos na kalagayan na ngayon ang mga crew sa Barangay Melville kasama ang kapitan ng cargo na si Dang Van Minh.

Samantala, wala ring naiulat na oil spill sa kabila ng pagsadsad ng cargo. | via 103.1 BNFM PALAWAN | CJ Andres (WesCom Photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *