17 patay matapos tamaan ng kidlat sa isang wedding party sa Bangladesh

Umabot sa 17 tao na dumalo sa isang wedding party ang namatay makaraang tamaan ng kidlat sa Bangladesh.

Maliban sa mga nasawi, umabot din sa 14 na tao kabilang ang groom ang nasugatan habang ang bride ay wala sa wedding party.

Ayon sa report, pababa ng bangka sa riverside sa bayan ng Shibganj ang grupo kasama ng groom na patungo sa bahay ng bride nang abutan ng thunderstorm.

Matatandaan na taon-taon, maraming tao sa South Asia ang namamatay dahil sa tama ng kidlat.

Noong 2016 ay idineklara ng Bangladesh ang tama ng kidlat na isang natural disaster kung saan umabot sa 200 tao ang namatay sa buwan lamang ng Mayo kasama na ang 82 na taong nasawi sa loob ng iisang araw.

Ayon sa mga eksperto, malaking bahagi ng pagtaas ng deadly lightning strikes ang deforestation kung saan malaking tulong sana ang mga puno sa pagharang sa posibleng pagtama ng kidlat sa mga bagay bagay at sa mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *