17 Rural Health Unit sa Camarines Norte nagsimula na ng Measles, Rubella at Polio supplemental immunization

CAMARINES NORTE- Sinimulan na kahapon sa lalawigan ng Camarines Norte ang supplemental immunization kontra Measles, Rubella at Polio

Target ng Provincial Health Office na hangga’t maaari ay mabakunahan ang lahat ng mga batang 0 to 59 months old.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco ang target nila ay walang bata na 0 to 59 months old ang maiiwan at lahat mabakunahan.

Aniya kung kakayanin ay mabakunahan lahat ang mga ito at nakahanda umano ang 17 Rural Health Unit sa lalawigan para i- accommodate ang mga bata.

Bakuna kontra tigdas at Rubella ang ibibigay sa 9 hanggang 59 months habang kontra Polio naman sa 0 hanggang 59 months.

Dagdag pa ni Francisco na susuyurin at magbabahay-bahay ang mga bakunador at ang lahat umanong stratehiya ay nakapaloob sa micro planning ng bawat MHO na isinumite sa Department of Health at Provincial Health Office.

Kaya naman hinikayat ni Francisco ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa vaccination center para mabakunahan.

Ang launching ng Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) 2023 ay pinangunahan ni Governor Ricarte “Dong” Padilla.

Dumalo sa aktibidad si DOH Regional Director Dr. Ernie Vera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *