Erich, ipinaliwanag ang dahilan ng kaniyang matagal na pagpapahinga mula sa mga teleserye

Sinisigurado ng aktres na si Erich Gonzales na hindi half-hearted ang kaniyang pagtatrabaho sa tuwing meron siyang tinatanggap na project.

Ito ang paliwanag ni Erich, nang siya ay matanong sa regional media conference, kung bakit ito natagalan bago muling nagkaroon ng project.

Ayon kay Erich, hinihintay niya lang talaga ang tamang timing sa pagtanggap ng proyekto, dahil nais niya na buong puso niya ito gagawin.

Tampok si Erich sa revenge series ng ABS-CBN na pinamagatang “La Vida Lena” kung saan ay ginagampanan niya ang role ni Lena, na nakaranas ng pang-aapi mula sa isang makapangyarihang angkan.

Natanong naman sa parehong media conference kung ano ang kaibahan ni Erich kay Maja Salvador, na kilala rin sa paggawa ng revenge dramas.

Sinabi ni Erich na itinuturing niya na mabuting kaibigan si Maja, ngunit hindi niya nakaugalian na ikumpara ang kaniyang sarili sa ibang tao.

Ipinunto ni Erich na mas naka-focus siya sa pag-improve ng kaniyang sarili o kung paano niya mapapabuti ang kaniyang sarili mula sa dati niyang project.

Subaybayan ang pagbabagong-anyo at paghihiganti ni Lena at i-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa A2Z at TV5 ang mga bagong episode ng “La Vida Lena” na mapapanood na ngayong Lunes (Hunyo 28), 10 PM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *