178 na magkakatukayo o magkakapangalan sa Tokyo, Japan nagtipon-tipon

Sa pagkasilang natin at nang tayo ay nabinyagan, binigyan tayo ng pangalan ng ating mga magulang kung saan, kahit pa ito’y pinag-isipan, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon tayo ng kapangalan o ang sinasabing katukayo.

Ngunit, paano kung malaman mo na meron kang kapangalan na parehong-pareho mismo mula sa iyong first name pati apilyedo?

Kamakailan lang kasi, nagtipon-tipon ang mga magkakapareho ang mga pangalan na Tanaka Hirokazu sa Tokyo, Japan na kung saan hindi lamang isa, dalawa, o tatlo kun’di 178 katao.

Napalitan nila ang may hawak ng titulong “Largest Gathering of People with the Same First and Last Name” sa Guinness World Record na 164 na mga kababaihang nagngangalang Martha Stewart noong 2005.

Ikat’lo pagsubok na umano ito ng nasabing grupo at ang una nilang pagsali ay nasa 71 lamang sila; 87 naman sa ikalawang subok na pareho silang nabigo.

Subalit, sa ikat’long pagsubok ay naisakatuparan at nasungkit nga nila ang nasambit na titulo.

Pinlano umano nilang buohin ang samahan para ipangalandakan sa buong mundo na kahit sa simpleng pagkakapaereho ng pangalan ay maaari umano magkaroon ng solidong samahan at pagkakaibigan. |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *