17K halaga ng iligal na kahoy nakumpiska sa anti-illegal logging ops sa Matnog

Nakumpiska sa isang anti-illegal logging operations ang kabuuang 310 board feet ng good lumber o lokal na kilala na ‘toog’ sa Brgy Gadgaron, Matn og, Sorsogon.

Ito ay may market value na P17,050.00.

Naaresto sa nasabing operasyon si Jarrah Bernard Caburog Tumblod, 22-anyos, driver at residente ng Brgy Panlayaan lungsod ng Sorsogon.

Batay sa ulat, nahuli sa posesyon ng suspek ang mga kahoy na walang permit. Kinabibiulangan ito ng 60 pirasong tabla na may ibat-ibang sukat.

Ayon naman sa suspek, hindi umano sa kanyan ang mga kahoy, nirentahan lang ang kanyang truck ng isang ‘Myra’ sa halagang P2,500.00. Ang mga kahoy umano ay gagamitin sa ipinagagawang tindahan ng nasabing ‘Myra.’

Gayunpaman, binitbit ng mga awtoridad sa himpilan ng pulisya ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o illegal logging habang ang mga nakumpiskang kahoy ay itinurn-over sa PENRO para sa scaling at imbentaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *