18-anyos na binata, pinakabatang piloto na naka ikot sa mundo

Ano ang kaya mong gawin noong ikaw ay teenager o kabataan? Malamang sa mga edad na iyan ay nag-aaral ka pa, maaaring nag ta-trabaho o kaya naman ay nag e-enjoy lang sa buhay lalo na noong wala pang pandemya.

Ngunit alam niyo ba na sa bansang Britain, isang 18-anyos na binata ang tinaguriang pinakabatang piloto na mag isang nakalipad at nakaikot sa buong mundo.

Sinimulang ikutin ni Travis Ludlow ang mundo noong May 29, 2021 lulan ng 2001 Cessna 172R plane sa isang airport sa Netherlands.

Mula sa nasabing bansa, nag stop over si Ludlow sa Poland, Russia, U.S.A, Canada, Greenland, Iceland, BriĀ­tain, Ireland, Spain, Morocco, France at Belgium.

Inabot siya ng 44 na araw bago nakabalik sa Netherlands, ngunit sa katotohanan dapat noong May 2020 pa siya magsisimulang mag-ikot ngunit dahil sa mga COVID-19 restrictions ay naantala ang kanyang paglalakbay.

Sa kasalukuyan si Ludlow ang kinikilala ng Guinness World Record bilang pinaka batang piloto na umikot sa buong mundo.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *