18 bayan sa Camarines Sur, apektado ng pagbabaha dahil sa Bagyong Amang

NAGA CITY – Umabot sa 18 bayan at 120 barangay sa Camarines Sur ang apektado ng pagbabaha dahil sa Bagyong Amang.

Ito ang naitala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC kaugnay nang monitoring ng sitwasyon sa mga bayan.

Sa record naman ng mga Evacuees sa lalawigan, nasa 25,182 pamilya o katumbas ng 93,136 indibidwal ang apektado ng bagyo, subalit nasa 2,555 na pamilya lamang o nasa 12,006 na indibidwal ang nagsilikas.

Sa bayan ng Minalabac, napag-alaman kay Mayor Cris Lizardo na 13 barangay at ilang hektarya ng sakahan din ang lumubog sa tubig baha.

Samantala, hinihintay pa ng LGU ang datos mula sa Municipal Agriculture Office o MAO kung magkano ang iniwang halaga ng Bagyong Amang sa mga pananim sa Minalabac Camarines Sur.

Sa Milaor Camarines Sur, 13 Barangay din ang apektado ng pagbabaha na dala ng Bagyong Amang, kung saan paabot bewang ang taas ng tubig sa mga sakahan.

Ayon kay Mayor Anthony Reyes, inaasahang ngayong hapon ay huhupa na rin ang baha sa kanilang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *