18 Pulis na tinanggap ang courtesy resignations – considered ‘as resigned’ na – CPNP Acorda

‘Considered as resigned’ na ang labing walong PNP officers na isinasangkot sa iligal na droga matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang courtesy resignation.

Sa isang ambush interview sa Kampo Crame kanina, sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., na ipatutupad na niya ang courtsey resignation ng pulis matapos ang pulong sa Malacanang at matanggap ang opisyal na dokumento na nilagdaan mismo ng Pangulo.

Ayon kay Acorda, may mga options aniya ito kung aapela pa sila sa desisyon. Mayroon din aniyang ilang mga benepisyong maaari pang matanggap ang mga ito.

Dahil labing walong mga opisyal ang mawawala sa pwesto, inaasahan din aniya na mayroong magiging paggalaw sa kanilang organisasyon.

Umaasanaman ang PNP Chief na hindi maapektuhan ang hanay at tuloy-tuloy na maipatupad ang kanlang trabaho at serbisyo para sa publiko.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *