187 recoveries at 63 new cases ng COVID-19 naitala ngayong araw sa Bicol

BNFM BICOL—Nagtala ng mataas na bilang ng mga bagong gumaling sa COVID-19 ang Bicol region ngayong araw.

187 ang mga bagong recoveries kung saan 65 ay mula sa Camarines Sur, 60 sa Camarines Norte, 28 sa Masbate, 22 sa Albay, 11 sa Sorsogon at isa sa Catanduanes. Sa kabuuan, sumampa na sa 6,853 (69.22%) ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Bumaba naman ang aktibong kaso ng sakit sa 27.30% o 2,703 dahil sa mataas na bilang ng mga gumaling. 63 ang mga bagong kaso kung saan ang Camarines Sur ang nagtala ng pinakamataas na kaso na may 32.

22 nito ay mula sa lungsod ng Naga, tigdadalawa ang mga bayan ng Bula, Canaman at Ocampo at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Libmanan, San Fernando at Tigaon.

19 na bagong kaso naman ang nadagdag sa Sorsogon kung saan siyam nito ay mula sa Sorsogon City, tigdadalawa ang mga bayan ng Bulan, Gubat, Irosin at Juban at tig-isa ang bayan ng Casiguran at Magallanes.

12 bagong kaso naman ang nadagdag sa Albay kung saan anim nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, dalawa sa bayan ng Pio Duran at tig-iisa ang mga bayan ng Daraga, Libon, Polangui at Ligao City.

Walang bagong nasawi kaya nananatili ang death toll sa 344 (3.47%) habang pumalo na sa 9,900 ang kabuuang kaso ng sakit sa buong rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *