19 bangka sa Calabanga Camarines Sur, nasira ng hagupit ng alon

NAGA CITY – Kalas-kalas at pira-pirasong parte ng bangka ang nadatnan ng Brigada News FM Naga sa Barangay Bonot, Calabanga Camarines Sur.

Ang mga ito ay nasira at ang iba ay winasak ng alon.

Ayon sa Barangay Council umabot sa  19 na bangka ang nasira.  Sinabi sa Brigada News FM Naga ni  Brgy. Kagawad Felipe Padre Sr., Committee on Fisheries and Agriculture chairman 9 sa mga ito ang Totally Damaged o nawasak habang 10 naman ang partially damaged.

Sa ginawang pagpupulong ng mga mangingisda aminado ang mga ito na hindi nila na i-akyat ang kanilang bangka at nag akalang ulan lamang ang mararanasan, subalit laking gulat ng mga ito nang malalakas na alon na ang humahampas dahilan nang pagkasira ng kanilang mga bangka madaling araw nitong Martes Feb. 21, 2023.

Ang Municipal Agriculture Office ay tumungo na sa lugar upang alamin ang sitwasyon at maassess kung ano ang maitutulong ng LGU.

Mababatid na nagdudulot na malalakas na alon ang Amihan sa lalawigan nitong mga nagdaang araw pa nakabandera ang gale warning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *