190 dengue cases, naitala na sa buong Camarines Sur

CAMARINES SUR-190 na ang kaso ng dengue sa Naga at Camarines Sur. Ito ay batay sa tala ng Department of Health Bicol.

Ang record ay mula Enero hanggang nitong Hunyo 22, 2024. Sa mga kaso pinakamaraming naitala ang Naga City sa 23, sumunod ang capital town Pili sa 19, Libmanan na may 16 kaso, tig 14 naman ang Nabua at Iriga City. Isa hanggang labing isa naman sa iba pang mga bayan habang wala sa Gainza, Sagñay, Del Gallego, Balatan, Siruma at Tinambac.

546 dengue cases ang naiulat sa Philippine Integrated Disease Surveillance and Response (PIDSR) sa nasabing panahon habang 444 noong 2023 sa Bicol Region.

Ayon kay OIC Director IV Dr. Rodolfo Antonio Albornoz, kontrolado naman ang kaso at mababa ang dengue cases sa Bicol kumpara sa ibang rehiyon patuloy ang paghikayat sa publiko na gawin ang 5S kontra dengue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *