NAGA CITY- 190 na mga pulis ang marereassign dahil sa pagkandidato ng mga kaanak sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCOL. Julius Caesar Doming, Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO). Ayon sa opisyal halos lahat ng Municipal Police Station sa lalawigan may marereassign na pulis. Ito ay upang maging patas at hindi sila makaapekto sa takbo ng kandidatura o halalan.
Sa ngayon wala namang kandidato na nagsumbong na may banta sa buhay.
Samantala, sinabi pa ng opisyal sa obserbasyon nila bumaba ang bilang ng krimen maliban sa mga aksidente sa kalsada.