193K Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine doses, dumating na sa PH

Dumating na sa Pilipinas ang batch ng 193,050 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine doses.

Batay sa largest real-world study ng Pfizer vaccine, nakumpirma na ang bakuna ay kayang makapagbigay ng mahigit 95% na proteksyon laban sa COVID-19.

Sa kabila nito, bababa rin umano ang level kung ang isang tao ay tatanggap lang ng isa mula sa dalawang prescribed na doses.

Mababatid na 132,210 shots mula sa naturang shipment ay inilaan para sa Metro Manila, habang ang Cebu City at Davao City ay makakatanggap ng tig 15 percent ng shipment o 29,250 doses, at ang Quirino Province ay makakatanggap naman ang 1,710 doses.

Ang natitirang 1,710 doses naman ay magsisilbing buffer stock. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *