1st motorcross competition, gaganapin sa Quezon, Palawan

Nakatakdang ganapin ngayong buwan sa bayan ng Quezon, Palawan ang 1st invitation motorcross event competition na inorganisa ng Lokal na Pamahalaan.

Gaganapin ito sa Sitio Sabsaban sa Brgy. Tabon sa darating na May 12-13 na kung saan inilatag na ang magiging motorcross track.

Kaugnay nito, may labingtatlo (13) na mga katergorya ang inihanda para sa sports event katulad na lamang ng junior 65, scooter, pantra, novice, intermediate at expert enduro, production 85cc at iba pa.

Samantala, inaasahan na dadagsa ang mga motorcycle enthusiast na mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan dahil sa pambihirang sports event na ito sa munisipyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *