2.2 milyong litro ng alak, nagpabaha sa isang bayan sa bansang Portugal

AABOT sa 2.2 milyong litro ng alak ang nagpabaha sa Sao Lourenco do Bairro sa Anadia, Portugal matapos na masira ang kanilang dalawang vat o tanke na imbakan ng alak.

Dahil dito agad namang nagulat ang mga residente matapos masaksihan ang pagragasa ng alak sa kanilang kalsada.

Ayon sa Destilaria Levira, ang kumpanyang nagmamay-ari ng pagawaan ng alak, aabot sa 2.2 million liters ang natapon katumbas nito ang halos 600,000 gallons at tinatayang  humigit-kumulang 2,933,333 na mga bote.

Wala namang naitalang nasaktan sa naganap na pangyayari. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *