2-anyos na babae, minolestiya di umano ng 12 anyos sa Roxas, Palawan

Nagpasaklolo sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang ina ng dalawang taong gulang na babae matapos di umano itong molestiyahin ng menor de edad nilang kapitbahay sa Roxas, Palawan.

Ayon kay VAWC Supervisor Jaspher Bacuel, nagkwento umano ang biktima sa kanyang ina ng mapait na karanasan nito sa suspek.

Nakitaan din umano ng sugat sa maselang bahagi ng katawan ang bata na senyalis na mayroong pagmomolestiya na nangyari.

Agad na umaksyon ang MSWDO at Roxas Municipal Police station upang mahuli ang menor de edad na suspek.

Sa medico-legal ng bata, napag-alaman na inabuso ang bata.

Kaugnay nyan, hindi naman masasampahan ng kaso ang suspek dahil sa menor de edad pa lamang ito ngunit sasailalim umano sa matinding counselling at obserbasyon, ayon pa sa MSWDO.

Samantala, binibigyan naman ng labinlimang (15) araw ang pamilya ng suspek na lisanin ang barangay base sa kasunduan ng pamilya ng biktima at suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *