2 arestado sa tupada sa Puerto Princesa

Arestado ang dalawang kalalakihan dahil sa iligal na tupada kahapon alas 10:50 ng umaga Janauary 16 , 2022 sa  Purok Bagong Silang, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City.

Kinilala ang mga ito na sina ANZEL JOSOY COLARTE, 60 anyos, may-asawa caretaker, resident ng Brgy .San Isidro, at  NELSON SINSHIOCO, 52  anyos may-asawa,  jobless,  residente ng Brgy. San Jose.

Batay sa ulat, habang nagsasagawa ng ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Police Station 1 ay naaktuhan ang mga ito habang nagsasagawa ng ilegal na aktibidad na tupada.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek partikular sa Violation of PD 1602 (illegal cockfighting).

Leave a Reply

Your email address will not be published.