2 atletang nakasungkit ng medalya sa SEA Games, ipinagmamalaki ng kanilang mga kababayan sa Camarines Sur

NAGA CITY- Proud ang mga kababayan sa Camarines Sur sa pagkakasungkit ng medalya sa 31st SEA games ng atletang taga Libmanan at Pamplona.

Nakuha ni  Mark Harry Diones tubong Barangay Malbogon Libmanan ang silver sa Athletics Triple Jump Southeast Asian Games sa Vietnam. Medalist na rin siya noong 2019 SEA games , napag-alaman na graduate si Diones sa  Camarines Sur Sports Academy ng provincial government.

Para sa kababayan na si Joyce Patria, ipinagmamalaki ng kanilang bayan ang nasabing atleta. Bilang isang ina na may anak ding mahilig sa sports , nabanggit ni Patria na importante ang suporta ng mga magulang dahil baka dumating ang pagkakataon na sila rin ay magdala ng karangalan sa bansa.

Samantala, ginto naman ang nakuha ng Bicolanang tubong Pamplona na si Annie Ramirez sa Jiu-jitsu women’s division, 2019 nang makakuha rin siya ng  gold sa naturang laro.

Una nang sinabi ni Mayor Boy Franco na, bibigyan ng komendasyon o pagkilala si Ramirez, pinatunayan aniya nitong ang mga Pilipino ay matapang at hindi basta-basta sumusuko, sana aniya ay makarating pa sa Olympics upang patuloy na magdala ng karangalan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *