2 bagong namatay sa COVID-19 sa bayan ng Aborlan, Palawan

Mayroong dalawang bago na namatay dahil sa COVID-19 sa bayan ng Aborlan, Palawan nitong Miyerkules ika-15 ng Setyembre.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Fidel V. Salazar, ang ika-anim at ika-pitong namatay ay mula sa Brgy. Isaub, 53  anyos at  humigit kumulang 70 anyos na mula sa Brgy. Poblacion sa Aborlan pero ito ay residente sa bayan ng Brooke’s Point.

Ang mga pasyente ay parehong reactive sa Antigen Test, ayon pa kay Dr. Salazar.

Binawian ng buhay sa Medicare Hospital ang pasyente na mula sa Brgy. Isaub na may cancer sa atay, binawian ito ng buhay ganap na alas-sais kagabi habang ang isa na namatay sa tahanan sa Poblacion ,Aborlan ay mayroong heart disease, binawian ng buhay ay kahapon ng madaling-araw.

Dahil dito, umakyat na sa pito ang Covid related death sa bayan ng Aborlan hanggang kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *