2 bahay napinsala sa landslide sa Presentacion, Camarines Sur; 6 pamilya inilikas

NAGA CITY – Dalawang bahay ang napinsala sa Barangay Bagongsirang, Presentacion, Camarines Sur dahil sa landslide habang anim na pamilya naman ang inilikas.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Regina Bea, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, walang naging casualty sa nangyaring pagguho ng lupa maging sa bahagi ng National Road Barangay Bagongsirang.

Lumalabas sa kanilang imbistigasyon at assessment sa may portion ng residential area na posibleng epekto rin ng nagdaang lindol ang pagguho ng lupa. Sa ngayon habang patuloy na nakakaranas ng pag-uulan sa bayan, patuloy naman ang road clearing sa National Road kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at pagbabantay na unti-unti na ring nadadaanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *