2 barangay isinailalim sa Granular Lockdown sa Guinobatan Albay; 8 residente nagpositibo sa Covid-19

LEGAZPI-Kinumpirma ng lokal na gobyerno ng bayan ng Guinobatan na isinailalim sa 14-day Granular Lockdown ang dalawang barangay sa kanilang bayan na kung saan nairihistro ang walong residente na nagpositibo sa Covid-19.


Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Guinobatan Mayor Gemma Ongjoco, ang mga barangay na isinailalim sa granular lockdown ay ang barangay San Francisco at Inamnan Grande. Samnatalang ang ibang nagpositibo ay naka isolate na din.

Aniya, ito ay resulta na din ng napag usapan sa emergency meeting kahapon para maiwasan na ang pagkalat nang naturang sakit.

Aniya, ito rin ang pinakamataas na record na nairihistro ng kanilang bayan simula ng pagpasok ng Covid noong nakaraang taon.

Samantalang ayon pa kay Ongjoco wala naman na dapat ipag-alala ang publiko dahil mabilis naman umano ang aksyon ng LGU.

Nanawagan na lamang ito sa publiko na mag doble ingat at sumunod palagi sa mga health protocols para di tamaan ng naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *