2 Barangay kapitan mula sa Echague, Isabela, kinasuhan dahil sa hindi pagsunod sa protocols

Umusad na sa konseho ng Lokal na Pamahalaan ng Echgaue ang kaso ng dalawang barangay kapitan matapos hindi nila ipaalam na may nagyayaring pagtitipon sa kanilang nasasakupan na siyang pangunahin paglabag sa health protocols.

Ito ang kinumpirma ni Isabela LNB Federation President Dante Halaman sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay Halaman na ang dalawang kapitan na sangkot ay mula sa Brgy. Libertad at Dammang West.Pumalya umano sila sa hindi pagbibigay ng impormasyon sa kapulisan matapos may nangyaring Debut Party sa Barangay Libertad at kasal na may pasayaw sa Barangay Dammang West na parehong dinaluhan umano ng maraming tao.

Bwelta naman umano ng mga Kapitan na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa kanilang nasasakupan ngunit mayroon parin talagang matitigas ang kanilang ulo.

Dagdag pa ni Halaman, desidido umanong kinasuhan ni Municipal Mayor Francisco “Kiko” Dy ang dalawang kapitan dahil sa hindi nilang pagreport sa kapulisan sa naganap na pagtitipon sa kanilang nasasakupan.

Sa ngayon ay patuloy parin ang pakikipag-ugnayan ng Kapulisan, LGU Echague at mga sangkot na kapitan kaugnay sa kasong ito.

Matatandaan na sinabi rin ng Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan umano ang mga barangay officials na hindi sumusunod at nagpapatupad ng health protocols sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *