2 bata na naligo sa dagat-  nalunod – patay

Pinaglalamayan na ngayon ang dalawang bata matapos malunod at mamatay sa karagatan ng Barangay New Canipo, San Vicente Palawan.

Ang mga namatay ay isang apat na taong gulang na lalaki at isang siyam na taong gulang na babae na parehong nakatira sa Barangay New Canipo.

Base sa ulat ng Palawan Provincial PNP, narekober ang bangkay ng 4 na taong gulang na bata alas-sais ng gabi noong Sabado at nang dalhin ito sa San Vicente District Hospital ay hindi na ito umabot ng buhay.

Ang bangkay ng isang siyam na taong gulang ay narekober ganap na 10:15 nitong araw ng Linggo, August 21, 2022 .

Napag-alaman ng pulisya na ang dalawang minor ay umalis nang bahay noong hapon ng Sabado at sumama sa mga kaibigan para maligo subalit nangyari ang trahedya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *