NAGA CITY- Pasok sa Top 10 ng August 2023 Criminology Licensure Examination ang dalawang Bicolana mula sa Naga College Foundation.
Top 8 si Jessa Mojeco Repotente ng Pasacao Camarines Sur sa average na 88.10% habang Top 9 naman si Yvette Karyl Oliquino Carulla ng Ocampo, Camarines Sur sa rating na 87.75%.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay NCF President Dr. Mario Villanueva , sinabi nitong nakakaproud ang kanilang mag estudyante ,topnotchers man o hindi.
Noong Mayo, Top 1 si Kenneth Obita Dela Torre na residente ng Tinambac , Camarines Sur ang kababayan naman na si Mark Villanueva ay Top 10.
Samantala sa tala ng Philippine Regulatory Commission (PRC) 5,743 sa 17,576 examinees ang pumasa.