2 Bicolanong mula sa Camarines Sur, Topnocher sa 2023 Crimonology Licensure Examination

NAGA CITY – Hindi lang ipinasa kundi mga Topnocher pa ang dalawang Bicolanong pawang mga taga-Tinambac, Camarines Sur at parehong nag-araal sa Naga City College Foundation sa naging resulta ng 2023 Criminology Licensure Examination.

Nakuha ni Kenneth Obita dela Torre ang Top 1 na may rating na 89%, Top 10 naman si Mark Villanueva sa 87.45% na rating.

Kapwa hindi makapaniwala ang dalawa sa naging resulta ng eksaminasyon maging ang kani-kanilang pamilya ay labis rin ang kasiyahan, lalo na’t hindi rin naging madali ang pinagdaanan nila.

Isang pharmacy aid ang ina ni Kenneth, karpentero naman ang kanyang ama. Kwento niya sa Brigada News FM Naga, puspusan ang ginawang pagrereview niya at dinisiplina ang sarili, may pagkakataon na nagkaproblema sa financial, at naging mahirap din sa kanya ang mag-adjust dahil hindi siya sanay sa lungsod, ilang subject din ang nahirapan siyang pag-aralan.

Si Mark naman na naninirahan sa kanyang ina-inahan ay may sariling tindahan kasama ang kanyang totoong mga magulang, hindi rin naging madali sa kanya dahil kinakailangang balansehin ang oras ng pagrereview.

Marami naman nagpa-abot ng pagbati sa kanila sa tagumpay na nakamit maging ang LGU Tinambac at ang Naga City College Foundation ay naging proud sa kanila.

Isang inspirasyon ngang maituturing ang dalawa dahil sa naging ddikasyon, tiwala sa sariling makakaya at disiplina sa sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *